Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Abril 25, 2011. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 20-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Marso 7 hanggang Abril 25, 2011.
1. Sa anong diwa ‘nagpapakilalang mga Judio ang marami mula sa mga bayan ng lupain’? (Es. 8:17) [w06 3/1 p. 11 par. 3]
2. Bakit pinahintulutan si Satanas na pumasok sa harap ni Jehova? (Job 1:6; 2:1) [w06 3/15 p. 13 par. 6; it-2-E p. 16 par. 4]
3. Ano ang ipinahihiwatig ng tanong ni Satanas na, “Natatakot ba si Job sa Diyos nang walang dahilan”? (Job 1:9) [w94 11/15 p. 11 par. 6]
4. Bakit nauudyukan tayong magtiwala kay Jehova sa pagkaalam na siya ay “marunong sa puso at malakas sa kapangyarihan”? (Job 9:4) [w07 5/15 p. 25 par. 16; it-2-E p. 1190 par. 3]
5. Paano makikita ang kaisipan ni Satanas sa mga salita ni Elipaz na ang tao ay “umiinom ng kalikuan na parang tubig”? (Job 15:16) [w10 2/15 p. 20 par. 1-2]
6. Ano ang matututuhan natin sa hinaing ni Job na nakaulat sa Job 19:2? [w94 10/1 p. 32 par. 1-5]
7. Ano ang nakatulong kay Job na manatiling tapat sa Diyos? (Job 27:5) [w09 4/15 p. 6 par. 17]
8. Paano natin matutularan si Job kapag ang iba ay nangangailangan? (Job 29:12, 13) [w02 5/15 p. 22 par. 19; w94 9/15 p. 24 par. 2]
9. Paano naiiba ang payo ni Elihu sa payo ng tatlong kasamahan ni Job? (Job 33:1, 6) [w95 2/15 p. 29 par. 3]
10. Paano makatutulong sa atin ang pagbubulay-bulay sa mga kamangha-manghang gawa ni Jehova? (Job 37:14) [w06 3/15 p. 16 par. 4]