Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Pebrero 25, 2013. Isinama ang petsa kung kailan tatalakayin sa paaralan ang bawat punto upang magamit sa pagsasaliksik kapag naghahanda bawat linggo.
1. Bakit sinabi ni Jesus na magiging maligaya “yaong mga nagdadalamhati”? (Mat. 5:4) [Ene. 7, w09 2/15 p. 6 par. 6]
2. Sa huwarang panalanging itinuro ni Jesus sa kaniyang mga alagad, ano ang ibig niyang sabihin nang banggitin niya: “Huwag mo kaming dalhin sa tukso”? (Mat. 6:13) [Ene. 7, w04 2/1 p. 16 par. 13]
3. Bakit sinabi ni Jesus na hindi matatapos ng kaniyang mga alagad ang pangangaral sa mga sirkito “hanggang sa dumating ang Anak ng tao”? (Mat. 10:23) [Ene. 14, w10 9/15 p. 9 par. 12; w87 8/1 p. 8 par. 6]
4. Anong dalawang bagay ang itinatampok ng ilustrasyon ni Jesus tungkol sa butil ng mustasa? (Mat. 13:31, 32) [Ene. 21, w08 7/15 p. 17-18 par. 3-8]
5. Anong aral ang itinuturo ni Jesus nang sabihin niya: “Malibang kayo ay manumbalik at maging gaya ng mga bata, hindi kayo sa anumang paraan makapapasok sa kaharian ng langit”? (Mat. 18:3) [Ene. 28, w07 2/1 p. 9-10 par. 2-3]
6. Ano ang ibig sabihin ng pananalita ni Jesus na “ikaw mismo ang nagsabi nito”? (Mat. 26:63, 64) [Peb. 11, w11 6/1 p. 18]
7. Bakit tinawag si Jesus na “Panginoon maging ng Sabbath”? (Mar. 2:28) [Peb. 18, w08 2/15 p. 28 par. 7]
8. Bakit gayon ang naging sagot ni Jesus tungkol sa kaniyang ina at mga kapatid, at ano ang itinuturo nito sa atin? (Mar. 3:31-35) [Peb. 18, w08 2/15 p. 29 par. 5]
9. Sa ulat ng Marcos 8:22-25, ano ang posibleng dahilan na inunti-unti ni Jesus ang pagpapanumbalik sa paningin ng bulag na lalaki, at ano ang matututuhan natin dito? [Peb. 25, w00 2/15 p. 17 par. 7]
10. Ano ang matututuhan natin sa sagot ni Jesus sa pagsaway sa kaniya ni Pedro na nasa Marcos 8:32-34? [Peb. 25, w08 2/15 p. 29 par. 6]