Titigil Ka Na Ba?
Kapag naglilingkod sa larangan, nakasanayan na ng ilang mamamahayag na tumigil sa isang partikular na oras, marahil sa tanghali. Siyempre pa, maaaring kailangan ng ilan na talagang huminto na sa isang partikular na oras. Pero tumitigil ka na ba sa pangangaral dahil lang sa huminto na ang iba sa grupo o iyon ang nakaugaliang oras ng pagtigil sa inyong kongregasyon? Puwede bang magpatuloy ka pa nang ilang minuto at makibahagi sa ibang anyo ng pangangaral, gaya ng pagpapatotoo sa lansangan? Puwede ka bang dumalaw-muli sa isa o dalawang interesado bago umuwi? Isip-isipin kung gaano kalaki ang magagawa mo kapag nadatnan mo sa bahay ang kahit isang interesado o nakapamahagi ka ng ilang magasin sa isang nagdaraan! Kung hindi tayo titigil at magpapatuloy pa nang ilang minuto, simpleng paraan ito para madagdagan ang ating “hain ng papuri.”—Heb. 13:15.