Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Panggrupong Pagpapatotoo
1 Ang pakikipagtipon kasama ng iba bilang paghahanda sa paglilingkod sa larangan ay kapuwa praktikal at nakapagpapatibay. Ang gayong paglalaan ay nagpapasigla sa ating mga kapatid na magkabalikat na gumawa sa paghahayag ng mabuting balita.
2 Maaaring ang ilang kongregasyon ay nagsasagawa ng paglilingkod sa larangan kasunod ng regular na pulong sa Kingdom Hall. Bagaman ang bilang ng mga nagtataguyod sa kaayusang ito ay malaki, ang mga konduktor sa pag-aaral ng aklat ay magbibigay pa rin ng pansin sa mga mamamahayag na nasa kanilang grupo. Depende sa kalagayan nila, ang ibang kongregasyon ay nagdaraos ng kanilang dulong sanlinggong pagtitipon para sa paglilingkod sa larangn sa bawa’t Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. May maliwanag na bentaha ang kaayusang ito. Totoong ang kalagayan ay nagkakaiba sa iba’t ibang kongregasyon. Ang pagsasamasama ng ilang maliliit na grupo ay maaaring angkop sa pana-panahon. Kaya ang lupon ng mga matatanda ay dapat magsaalang-alang sa lokal na mga kalagyan at alamin kung anong kaayusan ang magdudulot ng pinakamabuti.—Tingnan ang Ating Ministeryo, pahina 96-7.
TANGKILIKIN ANG MGA PAGTITIPON BAGO MAGLINGKOD
3 Ang panggrupong pagpapatotoo mula sa mga pag-aaral ng aklat ay naglalaan ng isang mainam na pagkakataon para makapabigay ang konduktor ng personal na tulong. Ang mga bagong mamamahayag at yaong mga may karanasan na ay maaaring makinabang sa paggawang kasama ng mga matatanda at ministeryal na lingkod.
4 Ang gitnang sanlinggong mga pagtitipon bago maglingkod sa larangan ay maaaring ganapin sa Kingdom Hall o sa iba’t ibang lugar na maalwan para sa mga mamamahayag. Ang bilang ng mga ito ay depende sa lokal na mga kalagayan at kung may mga mangunguna.
5 Ano ang maaaring gawin ng mga konduktor sa pag-aaral ng aklat o niyaong mga inatasan na mangalaga sa grupo upang matiyak na ang lahat ay gumagamit na mabuti sa panahong nakatalaga para sa panggrupong pagpapatotoo? Iingatan ng mga konduktor sa isipan na ang pagtitipon bago maglingkod ay hindi dapat lumampas mula sa 10 hanggang 15 minuto. (Tingnan ang Ating Ministeryo, pahina 77.) Malaking panahon ang matitipid kapag ang teritoryo ay iniatas na bago pa magtungo sa larangan, anupa’t naiiwasan ang malalaking grupo na nagtitipon sa kanto na waring hindi organisado. Nasumpungan ng iba na nakatutulong na iatas ang bahagi ng teritoryo sa kuwalipikadong mga mamamahayag sa isang yugto ng panahon. Anupa’t minsang naisaayos ang grupo, sila’y maaari nang umalis kaagad patungo sa kanilang teritoryo. Dapat na maging alisto ang tagapangasiwa sa paglilingkod na lutasin ang mga suliranin sa pag-oorganisa ng mga grupo upang higit na panahon ang magamit sa larangan.
6 Gustong-gustong alalahanin ng maraming matatagal nang mamamahayag ang mga karanasang tinamo sa mahabang panahon samantalang gumagawang kasama ng iba pa sa panggrupong gawain. Ang gayong mga karanasan ay nagpapatibay sa pagkakaisa ng kongregasyon at sa buklod ng Kristiyanong pag-ibig. Bagaman sa pana-panahon ay may mabubuting dahilan na gumawang magkasama ang dalawang mamamahayag, sa maraming teritoryo higit ang maisasagawa sa pamamagitan ng paggawa nang nag-iisa samantalang ang iba ay nagpapatotoo sa malapit lamang. Ang paggawang nag-iisa samantalang ipinahihintulot ng kalagayan ay nagpapangyari na mas maraming tao ang ating marating, at ito’y nagiging isang mabuting pagsasanay para sa hinaharap na mga pangyayari kapag inilagay ang di inaasahang pagbabawal sa ating gawaing pangangaral. Ang mabuting pagpapasiya at pagnanais na maisagawa ang lalong malaki hangga’t maaari, ang dapat na maging pangunahin sa mga kaayusang ating isinasagawa.
7 Pinasigla ni apostol Pablo ang mga Kristiyano na “ingatang matibay ang pangmadlang pagpapahayag ng ating pag-asa.” Gayundin, ang kaniyang kinasihang salita ay nagsasabi sa atin na “mangagtinginan sa isa’t isa upang manga-udyok sa pag-iibigan at mabubuting gawa, . . . nagpapatibayan sa isa’t isa.” (Heb. 10:23-25) Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga kaayusan sa panggrupong pagpapatotoo, maudyukan nawa natin ang ating mga kapatid sa “pag-iibigan at mabubuting gawa.” Habang ginagawa natin ito, ating aanihin ang maiinam na gantimpala mula kay Jehova.