Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Abril 29, 2013. Isinama ang petsa kung kailan tatalakayin sa paaralan ang bawat punto upang magamit sa pagsasaliksik kapag naghahanda bawat linggo.
1. Sa Marcos 10:6-9, anong seryosong paalaala ang ibinigay ni Jesus tungkol sa pag-aasawa? [Mar. 4, w08 2/15 p. 30 par. 8]
2. Ano ang ibig sabihin ng paglilingkod kay Jehova nang buong kaluluwa? (Mar. 12:30) [Mar. 4, w97 10/15 p. 13 par. 4]
3. Ano ang “mga hapdi ng kabagabagan” na tinutukoy sa Marcos 13:8? [Mar. 11, w08 3/15 p. 12 par. 2]
4. Anu-anong reperensiya ang sinangguni ni Lucas nang buuin niya ang kaniyang ulat ng Ebanghelyo? (Luc. 1:3) [Mar. 18, w09 3/15 p. 32 par. 4]
5. Yamang humahanap si Satanas ng “kumbinyenteng panahon” para subukin ang ating katapatan, ano ang dapat nating gawin? (Luc. 4:13) [Mar. 25, w11 1/15 p. 24 par. 10]
6. Paano natin maikakapit ang pananalita sa Lucas 6:27, 28? [Mar. 25, w08 5/15 p. 8 par. 4]
7. Bakit napatawad ni Jesus ang mga kasalanan ng isang babae bago siya namatay bilang haing pantubos? (Luc. 7:37, 48) [Abr. 1, w10 8/15 p. 6-7]
8. Sa anong diwa dapat ‘kapootan’ ng mga tagasunod ni Kristo ang kanilang mga kamag-anak? (Luc. 14:26) [Abr. 15, w08 3/15 p. 32 par. 1; w92 7/15 p. 9 par. 3-5]
9. Ano ang magiging epekto sa mga tao ng “mga tanda sa araw at buwan at mga bituin”? (Luc. 21:25) [Abr. 22, w97 4/1 p. 15 par. 8-9]
10. Paano natin matutularan ang pananalangin ni Jesus kapag napapaharap tayo sa matitinding pagsubok? (Luc. 22:44) [Abr. 29, w07 8/1 p. 6 par. 2]