Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Oktubre 28, 2013.
1. Ano ang ibig sabihin ng pagtataglay ng “pag-iisip ni Kristo”? (1 Cor. 2:16) [Set. 2, w08 7/15 p. 27 par. 7]
2. Paano tayo ‘makatatakas mula sa pakikiapid’? (1 Cor. 6:18) [Set. 2, w08 7/15 p. 27 par. 9; w04 2/15 p. 12 par. 9]
3. Ano ang ibig sabihin ni Pablo nang isulat niyang ang mga babae ay dapat na “manatiling tahimik sa mga kongregasyon”? (1 Cor. 14:34) [Set. 9, w12 9/1 p. 9, kahon]
4. Paano dapat makaapekto sa mga elder ngayon ang mga salita ni Pablo sa 2 Corinto 1:24? [Set. 16, w13 1/15 p. 27 par. 2-3]
5. Paano natin maikakapit ang 2 Corinto 9:7? [Set. 23, g 5/08 p. 21, kahon]
6. Paano tayo maaaring makinabang kung susundin natin ang payo ni Pablo sa Galacia 6:4? [Set. 30, w12 12/15 p. 13 par. 18]
7. Paano natin ‘maiingatan ang pagkakaisa ng espiritu’? (Efe. 4:3) [Okt. 7, w12 7/15 p. 28 par. 7]
8. Ano ang saloobin ni Pablo sa mga bagay na tinalikuran na niya? (Fil. 3:8) [Okt. 14, w12 3/15 p. 27 par. 12]
9. Ano ang ibig sabihin ng payong ito: “Huwag na tayong matulog pa gaya ng ginagawa ng iba”? (1 Tes. 5:6) [Okt. 21, w12 3/15 p. 10 par. 4]
10. Paano naging “katumbas na pantubos” ang sakripisyong kamatayan ni Jesus? (1 Tim. 2:6) [Okt. 28, w11 6/15 p. 13 par. 11]