Iskedyul Para sa Linggo ng Oktubre 28
LINGGO NG OKTUBRE 28
Awit 31 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
jl p. 3 at Aralin 1-2 (30 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: 1 Timoteo 1-6–2 Timoteo 1-4 (10 min.)
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo (20 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: “Ano ang Gagawin Mo Kapag Pista Opisyal?” Pahayag.
10 min: Itampok ang Praktikal na Kahalagahan ng Mabuting Balita. Pagtalakay batay sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 159. Ipakita kung paano maaaring ialok ang aklat na Itinuturo ng Bibliya gamit ang isang paksa kung saan interesado ang mga tao sa inyong teritoryo.
15 min: Ang Kahalagahan ng Pagiging Nasa Oras. Pagtalakay. (1) Paano naglaan ng halimbawa si Jehova sa pagiging nasa oras? (Hab. 2:3) (2) Paanong ang pagiging nasa oras sa mga pulong o sa ministeryo ay nagpapakita ng paggalang kay Jehova at konsiderasyon sa iba? (3) Ano ang epekto sa grupo sa paglilingkod sa larangan at sa konduktor kapag dumarating tayo nang huli sa pagtitipon para sa paglilingkod sa larangan? (4) Kung mangangako tayo sa isang interesado o estudyante sa Bibliya na babalik tayo sa isang partikular na oras, bakit mahalagang dumating nang nasa oras? (Mat. 5:37) (5) Anong praktikal na mga mungkahi ang makatutulong sa atin para maging nasa oras sa mga pulong ng kongregasyon at sa pakikipag-appointment sa ministeryo?
Awit 69 at Panalangin