Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp21 Blg. 1 p. 3-4
  • Ang Sinasabi ng mga Tao Tungkol sa Panalangin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Sinasabi ng mga Tao Tungkol sa Panalangin
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Panalangin na Sinasagot
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Maging Malapít sa Diyos sa Panalangin
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • May Nagagawa Bang Mabuti ang Pananalangin?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Kung Papaano Makakamit ang Tulong sa Panalangin
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
wp21 Blg. 1 p. 3-4
Mga tao mula sa buong mundo na nananalangin para sa patnubay ng Diyos.

Ang Sinasabi ng mga Tao Tungkol sa Panalangin

“Kapag nananalangin ako, pakiramdam ko katabi ko ang Diyos, hawak-hawak niya ang kamay ko, at ginagabayan niya ’ko kapag hindi ko na alam ang gagawin ko.”​—MARÍA.

“Pagkatapos ng 13-taóng pakikipaglaban sa cancer, namatay ang asawa ko. Tandang-tanda ko pa na nananalangin ako sa Diyos araw-araw, at pakiramdam ko, talagang nakikinig siya kapag sinasabi ko ang mga nararamdaman ko. At napapakalma ako nito.”​—RAÚL.

“Ang panalangin ay isang napakagandang regalo ng Diyos sa tao.”​—ARNE.

Para kina María, Raúl, Arne, at sa maraming iba pa, espesyal na regalo ang panalangin. Paraan nila ito para makausap ang Diyos, pasalamatan siya, at humingi ng tulong sa kaniya. Talagang naniniwala sila sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa pananalangin sa Diyos: “Nagtitiwala tayo sa Diyos na anuman ang hingin natin ayon sa kalooban niya ay ibibigay niya.”​—1 Juan 5:14.

Pero marami ring tao ang hindi naniniwala sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa panalangin. Ganito ang sabi ni Steve: “Nang 17-anyos ako, tatlo sa mga kaibigan ko ang namatay sa magkahiwalay na aksidente. Y’ong isa, namatay sa aksidente sa sasakyan, at y’ong dalawa naman, nalunod sa dagat.” Ano ang ginawa ni Steve? “Nanalangin ako sa Diyos at tinanong ko siya kung bakit nangyayari ang lahat ng ’yon, pero hindi niya ’ko sinagot. Kaya naisip ko, ‘Bakit pa ako mananalangin?’” Dahil parang walang sumasagot sa mga panalangin, marami ang nagdududa kung bakit kailangan pa nilang gawin ito.

May iba pang dahilan kung bakit hindi na nananalangin ang ilan. Sinasabi nila na alam naman ng Diyos ang lahat ng bagay—alam na niya ang mga kailangan natin o mga problema—kaya wala nang dahilan para sabihin pa ito sa kaniya.

Naniniwala naman ang ilan na hindi pinapakinggan ng Diyos ang panalangin nila dahil sa mga pagkakamaling nagawa nila noon. “Ang pinakaproblema ko,” sabi ni Jenny, “ay ang pakiramdam na wala akong kuwenta. May mga bagay na ginagawa ko noon na pinagsisisihan ko. Kaya sinasabi ko sa sarili ko, ‘Hindi ako karapat-dapat pakinggan ng Diyos.’”

Isang babae sa simbahan na nakatingalang nananalangin habang ang iba ay nakayukong nananalangin.

Kumusta ka naman? Ano ang masasabi mo tungkol sa panalangin? Kung may pagdududa ka, makakatulong sa iyo ang sinasabi ng Bibliya. Maaasahan mo ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa panalangin;a sinasagot nito ang mga tanong na gaya ng:

  • Nakikinig ba talaga ang Diyos sa mga panalangin natin?

  • Bakit hindi sinasagot ng Diyos ang ilang panalangin?

  • Paano ka mananalangin para pakinggan ka?

  • Ano ang magagawa ng panalangin para sa iyo?

a Mababasa sa Bibliya ang mga panalangin ng maraming lingkod ng Diyos, kasama na si Jesu-Kristo. Ang Hebreong Kasulatan, na tinatawag ding Lumang Tipan, ay naglalaman ng mahigit 150 panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share