Awit
ג [Gimel]
ה [He]
3 Ang kaniyang gawa+ ay dangal at karilagan,+
ו [Waw]
At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailanman.+
ז [Zayin]
4 Isang pinakaalaala ang ginawa niya para sa kaniyang mga kamangha-manghang gawa.+
ח [Ket]
Si Jehova ay magandang-loob at maawain.+
ט [Tet]
5 Nagbigay siya ng pagkain sa mga may takot sa kaniya.+
י [Yod]
Hanggang sa panahong walang takda ay aalalahanin niya ang kaniyang tipan.+
כ [Kap]
6 Ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa ay isinaysay niya sa kaniyang bayan,+
ל [Lamed]
Nang ibigay sa kanila ang mana ng mga bansa.+
מ [Mem]
7 Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay katotohanan at kahatulan;+
נ [Nun]
Mapagkakatiwalaan ang lahat ng mga pag-uutos na ibinibigay niya,+
ס [Samek]
8 Lubos na nasusuhayan magpakailanman, hanggang sa panahong walang takda,+
ע [Ayin]
Ginawa sa katotohanan at katuwiran.+
פ [Pe]
9 Nagsugo siya ng katubusan sa kaniyang bayan.+
צ [Tsade]
Hanggang sa panahong walang takda ay iniutos niya ang kaniyang tipan.+
ק [Kop]
Ang kaniyang pangalan ay banal at kakila-kilabot.+
ר [Res]