Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Job 9:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Gumagawa ng mga dakilang bagay na di-masaliksik,+

      At ng mga kamangha-manghang bagay na walang bilang.+

  • Job 42:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  2 “Napag-alaman ko na kaya mong gawin ang lahat ng bagay,+

      At walang kaisipan ang hindi mo magagawa.+

  • Awit 92:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Kay dakila ng iyong mga gawa, O Jehova!+

      Napakalalim ng iyong mga kaisipan.+

  • Awit 98:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 98 Umawit kayo kay Jehova ng isang bagong awit,+

      Sapagkat kamangha-mangha ang mga bagay na kaniyang ginawa.+

      Ang kaniyang kanang kamay, maging ang kaniyang banal na bisig, ay nagtamo ng kaligtasan para sa kaniya.+

  • Awit 104:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Kay rami ng iyong mga gawa, O Jehova!+

      Sa karunungan ay ginawa mong lahat ang mga iyon.+

      Ang lupa ay punô ng iyong mga likha.+

  • Awit 139:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Pupurihin kita sapagkat sa kakila-kilabot na paraan ay kamangha-mangha ang pagkakagawa sa akin.+

      Ang iyong mga gawa ay kamangha-mangha,+

      Gaya ng lubos na nababatid ng aking kaluluwa.+

  • Isaias 40:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Sino ang tumakal ng tubig sa palad lamang ng kaniyang kamay,+ at sumukat sa langit sa pamamagitan lamang ng isang dangkal+ at nagsilid ng alabok ng lupa sa isang pantakal,+ o nagtimbang ng mga bundok sa isang panukat, at ng mga burol sa timbangan?

  • Apocalipsis 15:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At inaawit nila ang awit ni Moises+ na alipin ng Diyos at ang awit ng Kordero,+ na sinasabi:

      “Dakila at kamangha-mangha ang iyong mga gawa,+ Diyos na Jehova, ang Makapangyarihan-sa-lahat.+ Matuwid at totoo ang iyong mga daan,+ Haring walang hanggan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share