Awit
Ni David. Isang awitin.
110 Ang sinabi ni Jehova sa aking Panginoon ay:+
“Umupo ka sa aking kanan+
Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway bilang tuntungan ng iyong mga paa.”+
2 Ang tungkod+ ng iyong lakas ay isusugo ni Jehova mula sa Sion,+ na nagsasabi:
“Manupil ka sa gitna ng iyong mga kaaway.”+
3 Ang iyong bayan+ ay kusang-loob na maghahandog ng kanilang sarili+ sa araw ng iyong hukbong militar.+
Sa mga karilagan ng kabanalan,+ mula sa bahay-bata ng bukang-liwayway,
Ikaw ay may pulutong ng mga kabataan na gaya ng mga patak ng hamog.+
4 Si Jehova ay sumumpa+ (at hindi siya magsisisi):+
“Ikaw ay isang saserdote hanggang sa panahong walang takda+
Ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec!”+