Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 2:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  9 Babaliin mo sila sa pamamagitan ng isang setrong bakal,+

      Dudurugin mo silang gaya ng sisidlan ng magpapalayok.”+

  • Awit 45:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 At sa iyong karilagan ay magtagumpay ka;+

      Sumakay ka alang-alang sa katotohanan at kapakumbabaan at katuwiran,+

      At tuturuan ka ng iyong kanang kamay ng mga kakila-kilabot na bagay.+

  • Awit 45:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Ang iyong mga palaso ay matutulis—sa ilalim mo ay nagbabagsakan ang mga bayan+—

      Sa puso ng mga kaaway ng hari.+

  • Mateo 24:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 At kung magkagayon ang tanda ng Anak ng tao+ ay lilitaw sa langit, at kung magkagayon ay dadagukan ng lahat ng mga tribo sa lupa ang kanilang sarili sa pananaghoy,+ at makikita nila ang Anak ng tao na dumarating na nasa mga ulap sa langit taglay ang kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.+

  • Lucas 19:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Isa pa, ang mga kaaway kong ito na ayaw na maging hari ako sa kanila ay dalhin ninyo rito at patayin sila sa harap ko.’ ”+

  • Apocalipsis 1:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Narito! Dumarating siya na nasa mga ulap,+ at makikita siya ng bawat mata,+ at niyaong mga umulos sa kaniya;+ at dadagukan ng lahat ng mga tribo sa lupa ang kanilang sarili sa pamimighati dahil sa kaniya.+ Oo, Amen.

  • Apocalipsis 6:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 At nakita ko, at, narito! isang kabayong puti;+ at ang isa na nakaupo+ sa ibabaw nito ay may isang busog;+ at isang korona ang ibinigay sa kaniya,+ at humayo siyang nananaig+ at upang lubusin ang kaniyang pananaig.+

  • Apocalipsis 11:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Ngunit ang mga bansa ay napoot, at ang iyong sariling poot ay dumating, at ang takdang panahon upang hatulan ang mga patay, at upang ibigay ang kanilang gantimpala+ sa iyong mga alipin na mga propeta+ at sa mga banal at doon sa mga natatakot sa iyong pangalan, sa maliliit at sa malalaki,+ at upang ipahamak+ yaong mga nagpapahamak sa lupa.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share