Kawikaan
5 Anak ko, bigyang-pansin mo ang aking karunungan.+ Ikiling mo ang iyong pandinig sa aking kaunawaan,+ 2 upang mabantayan mo ang kakayahang mag-isip;+ at ingatan nawa ng iyong mga labi ang kaalaman.+
3 Sapagkat ang mga labi ng babaing di-kilala ay tumutulo na gaya ng bahay-pukyutan,+ at ang kaniyang ngalangala ay mas madulas kaysa sa langis.+ 4 Ngunit ang idudulot niya ay kasimpait ng ahenho;+ iyon ay kasintalas ng tabak na may dalawang talim.+ 5 Ang kaniyang mga paa ay bumababa sa kamatayan.+ Ang kaniyang mga hakbang ay nakakapit sa Sheol.+ 6 Ang landas ng buhay ay hindi niya dinidili-dili.+ Ang kaniyang mga lakad ay nagpagala-gala nang hindi niya nalalaman kung saan patungo.+ 7 Kaya ngayon, O mga anak, makinig kayo sa akin+ at huwag kayong humiwalay sa mga pananalita ng aking bibig.+ 8 Ilayo mo sa kaniya ang iyong lakad, at huwag kang lumapit sa pasukan ng kaniyang bahay,+ 9 upang hindi mo maibigay sa iba ang iyong dangal,+ ni ang iyong mga taon sa bagay na malupit;+ 10 upang hindi magpakabusog sa iyong kalakasan ang mga taong di-kilala,+ ni mapasabahay man ng banyaga ang mga bagay na pinaghirapan mo,+ 11 ni kakailanganin mo mang dumaing sa iyong kinabukasan+ kapag ang iyong laman at ang iyong katawan ay sumapit sa kawakasan.+ 12 At sasabihin mo: “Ano’t kinapootan ko ang disiplina+ at winalang-galang ng aking puso ang saway!+ 13 At hindi ako nakinig sa tinig ng aking mga tagapagturo,+ at sa aking mga guro ay hindi ko ikiniling ang aking pandinig.+ 14 Madali akong napasangkot sa bawat uri ng kasamaan+ sa gitna ng kongregasyon at ng kapulungan.”+
15 Uminom ka ng tubig mula sa iyong sariling imbakang-tubig, at ng mga patak mula sa loob ng iyong sariling balon.+ 16 Dapat bang mangalat sa labas ang iyong mga bukal,+ ang iyong mga daloy ng tubig sa mga liwasan? 17 Maging para sa iyo lamang ang mga iyon, at hindi para sa ibang mga taong kasama mo.+ 18 Pagpalain ang iyong bukal ng tubig,+ at magsaya ka sa asawa ng iyong kabataan,+ 19 isang kaibig-ibig na babaing usa at mapanghalinang kambing-bundok.+ Magpakalango ka sa kaniyang mga dibdib sa lahat ng panahon.+ Sa kaniyang pag-ibig ay lagi ka nawang magtamasa ng masidhing ligaya.+ 20 Kaya anak ko, bakit ka magtatamasa ng masidhing ligaya sa babaing di-kilala o yayakap ka sa dibdib ng ibang babae?+ 21 Sapagkat ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ni Jehova,+ at dinidili-dili niya ang lahat ng kaniyang landas.+ 22 Ang kaniyang sariling mga kamalian ang huhuli sa balakyot,+ at pipigilan siya ng mga lubid ng kaniyang sariling kasalanan.+ 23 Siya ang mamamatay dahil sa kawalan ng disiplina,+ at dahil sa dami ng kaniyang kamangmangan ay naliligaw siya.+