Habakuk
3 Ang panalangin ni Habakuk na propeta na may mga panambitan: 2 O Jehova, narinig ko ang ulat tungkol sa iyo.+ Natakot ako, O Jehova, sa iyong gawa.+
Sa gitna ng mga taon O buhayin mo nawa iyon! Sa gitna ng mga taon ay ipaalam mo nawa iyon. Sa panahon ng kaligaligan, ang pagpapakita ng awa ay iyo nawang maalaala.+
3 Ang Diyos mismo ay nanggaling sa Teman, ang isa ngang Banal mula sa Bundok Paran.+ Selah.+
Ang kaniyang dangal ay tumakip sa langit;+ at napuno ng kaniyang kapurihan ang lupa.+
4 Kung tungkol sa kaniyang kaningningan, naging gaya iyon ng liwanag.+ Mayroon siyang dalawang sinag na lumalabas sa kaniyang kamay, at doon nakatago ang kaniyang lakas.+
5 Sa unahan niya ay patuloy na yumayaon ang salot,+ at ang nag-aapoy na lagnat ay lumalabas sa kaniyang mga paa.+
6 Tumigil siya, upang mayanig niya ang lupa.+ Tumingin siya, at napalukso ang mga bansa.+
At ang mga bundok na walang hanggan ay nagkadurug-durog;+ ang mga burol na namamalagi nang walang takda ay yumukod.+ Ang mga lakad noong sinaunang panahon ay kaniya.
7 Sa ilalim ng bagay na nakasasakit ay nakita ko ang mga tolda ng Cusan. Ang mga telang pantolda ng lupain ng Midian+ ay nagsimulang maligalig.+
8 Laban ba sa mga ilog, O Jehova, laban ba sa mga ilog ang pag-iinit ng iyong galit,+ o ang iyo bang poot ay laban sa dagat?+ Sapagkat sumakay ka sa iyong mga kabayo;+ ang iyong mga karo ay kaligtasan.+
9 Sa kahubaran nito ay nalantad ang iyong busog.+ Ang mga ipinanatang sumpa ng mga tribo ay siyang bagay na sinabi.+ Selah. Sa pamamagitan ng mga ilog ay biniyak mo ang lupa.+
10 Nakita ka ng mga bundok; dumanas sila ng matitinding kirot.+ Isang makulog na bagyo ng tubig ang dumaan. Inilakas ng matubig na kalaliman ang kaniyang ugong.+ Sa kaitaasan ay itinaas nito ang kaniyang mga kamay.
11 Ang araw—ang buwan—ay tumigil,+ sa marangal na tahanan nila.+ Patuloy na yumayaong gaya ng liwanag ang iyong mga palaso.+ Ang kidlat ng iyong sibat ay nagdulot ng kaningningan.+
12 Humayo ka sa lupa taglay ang pagtuligsa. Sa galit ay giniik mo ang mga bansa.+
13 At ikaw ay lumabas ukol sa kaligtasan ng iyong bayan,+ upang iligtas ang iyong pinahiran. Pinagdurug-durog mo ang pangulo mula sa bahay ng balakyot.+ Inihantad ang pundasyon, hanggang sa leeg.+ Selah.
14 Sa pamamagitan ng kaniyang sariling mga tungkod ay inulos+ mo ang ulo ng kaniyang mga mandirigma nang kumilos sila nang may kapusukan upang ipangalat ako.+ Ang kanilang matinding galak ay gaya niyaong sa mga masidhing naghahangad na lumamon ng isang napipighati sa kubling dako.+
15 Sa dagat ay idinaan mo ang iyong mga kabayo, sa bunton ng malalawak na tubig.+
16 Narinig ko, at ang aking tiyan ay nagsimulang maligalig; dahil sa ingay ay nanginig ang aking mga labi; ang kabulukan ay nagsimulang pumasok sa aking mga buto;+ at sa aking kalagayan ay naligalig ako, upang hintayin ko nang tahimik ang araw ng kabagabagan,+ ang kaniyang pag-ahon sa bayan,+ upang lusubin niya sila.
17 Bagaman ang puno ng igos ay hindi mamulaklak,+ at hindi magkaroon ng aanihin sa mga punong ubas; ang bunga ng punong olibo ay maaaring magmintis, at ang hagdan-hagdang lupain ay hindi magbibigay ng pagkain;+ ang kawan ay maaaring mahiwalay sa kural, at hindi magkakaroon ng bakahan sa mga kulungan;+
18 Gayunman, sa ganang akin, magbubunyi ako kay Jehova;+ magagalak ako sa Diyos ng aking kaligtasan.+