Zacarias
2 At itiningin ko ang aking mga mata at nakita ko; at, narito! may isang lalaki, at sa kaniyang kamay ay may lubid na panukat. + 2 Kaya sinabi ko: “Saan ka pupunta?”
Sinabi naman niya sa akin: “Upang sukatin ang Jerusalem, upang makita kung gaano ang kaniyang lapad at kung gaano ang kaniyang haba.” +
3 At, narito! ang anghel na nakikipag-usap sa akin ay yumayaon, at may isa pang anghel na yumayaon upang sumalubong sa kaniya. 4 Nang magkagayon ay sinabi niya sa kaniya: “Tumakbo ka, magsalita ka sa kabataang lalaki sa dako roon, na sinasabi, ‘ “Tatahanang gaya ng hantad na kaparangan ang Jerusalem, + dahil sa dami ng mga tao at ng mga alagang hayop sa gitna niya. + 5 At ako,” ang sabi ni Jehova, “ay magiging isang pader na apoy sa kaniya sa buong palibot, + at magiging kaluwalhatian ako sa gitna niya.” ’ ” +
6 “Kayo riyan! Kayo riyan! Tumakas kayo mula sa lupain ng hilaga,” + ang sabi ni Jehova.
“Sapagkat sa pinatutunguhan ng apat na hangin ng langit ay pinangalat ko kayo,” + ang sabi ni Jehova.
7 “Ikaw riyan, Sion! + Tumakas ka, ikaw na tumatahang kasama ng anak na babae ng Babilonya. + 8 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Kasunod ng kaluwalhatian + ay isinugo niya ako sa mga bansa na nananamsam sa inyo; + sapagkat siya na humihipo sa inyo + ay humihipo sa itim ng aking mata. + 9 Sapagkat narito, ikakaway ko ang aking kamay laban sa kanila, + at sila ay magiging samsam sa kanilang mga alipin.’ + At inyo ngang makikilala na si Jehova ng mga hukbo ang nagsugo sa akin. +
10 “Humiyaw ka nang malakas at magsaya, O anak na babae ng Sion; + sapagkat narito, ako ay dumarating, + at tatahan ako sa gitna mo,” + ang sabi ni Jehova. 11 “At ang maraming bansa ay tiyak na malalakip kay Jehova sa araw na iyon, + at sila ay magiging aking bayan; + at tatahan ako sa gitna mo.” At iyo ngang malalaman na isinugo ako sa iyo ni Jehova ng mga hukbo. + 12 At tiyak na aariin ni Jehova ang Juda bilang kaniyang bahagi sa ibabaw ng banal na lupa, + at pipiliin pa niya ang Jerusalem. + 13 Lahat ng laman, tumahimik kayo sa harap ni Jehova, + sapagkat gumising siya + mula sa kaniyang banal na tahanan. +