1 Juan
5 Ang bawat isa na naniniwalang si Jesus ang Kristo ay ipinanganak mula sa Diyos,+ at ang bawat isa na umiibig sa isa na nagpangyaring maipanganak ay umiibig sa kaniya na ipinanganak mula sa isang iyon.+ 2 Sa ganito natin natatamo ang kaalaman na iniibig+ natin ang mga anak ng Diyos,+ kapag iniibig natin ang Diyos at ginagawa ang kaniyang mga utos.+ 3 Sapagkat ito ang kahulugan ng pag-ibig+ sa Diyos, na tuparin natin ang kaniyang mga utos;+ gayunma’y ang kaniyang mga utos ay hindi pabigat,+ 4 sapagkat ang lahat ng ipinanganak+ mula sa Diyos ay dumaraig sa sanlibutan.+ At ito ang pananaig+ na dumaig+ sa sanlibutan, ang ating pananampalataya.+
5 Sino ang isa na dumaraig+ sa sanlibutan+ kundi siya na may pananampalataya+ na si Jesus ang Anak ng Diyos?+ 6 Siya ito na dumating sa pamamagitan ng tubig at dugo, si Jesu-Kristo; hindi sa tubig+ lamang, kundi sa tubig at sa dugo.+ At ang espiritu+ ang siyang nagpapatotoo, sapagkat ang espiritu ay ang katotohanan. 7 Sapagkat may tatlong tagapagpatotoo, 8 ang espiritu+ at ang tubig+ at ang dugo,+ at ang tatlo ay magkakasuwato.+
9 Kung tinatanggap natin ang patotoo na ibinibigay ng mga tao,+ ang patotoo na ibinibigay ng Diyos ay mas dakila, sapagkat ito ang patotoo na ibinibigay ng Diyos, na siya ay nagpatotoo+ may kinalaman sa kaniyang Anak. 10 Ang taong nananampalataya sa Anak ng Diyos ay may patotoong+ ibinigay sa ganang kaniya. Ang taong walang pananampalataya sa Diyos ay gumawa sa kaniya na isang sinungaling,+ sapagkat hindi siya nanampalataya sa patotoong ibinigay,+ na ibinigay ng Diyos bilang saksi+ may kinalaman sa kaniyang Anak. 11 At ito ang patotoong ibinigay, na ang Diyos ay nagbigay sa atin ng buhay na walang hanggan,+ at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak.+ 12 Siya na kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay na ito; siya na hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay na ito.+
13 Isinusulat ko sa inyo ang mga bagay na ito upang malaman ninyo na kayo ay may walang-hanggang buhay,+ kayo na nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos.+ 14 At ito ang pagtitiwala na taglay natin sa kaniya,+ na, anumang bagay ang hingin natin ayon sa kaniyang kalooban, tayo ay pinakikinggan niya.+ 15 Karagdagan pa, kung alam nating pinakikinggan niya tayo may kinalaman sa anumang ating hinihingi,+ alam natin na tatanggapin natin ang mga bagay na hiningi yamang hiningi natin sa kaniya ang mga iyon.+
16 Kung makita ng sinuman ang kaniyang kapatid na nagkakasala ng isang kasalanan na hindi ikamamatay,+ siya ay hihingi, at bibigyan niya siya ng buhay,+ oo, yaong mga hindi nagkakasala ng ikamamatay.+ May kasalanan na ikamamatay. May kinalaman sa kasalanang iyon ay hindi ko sinasabi sa kaniya na humiling.+ 17 Lahat ng kalikuan ay kasalanan;+ gayunman ay may kasalanan na hindi ikamamatay.
18 Alam natin na bawat taong ipinanganak mula sa Diyos+ ay hindi namimihasa sa kasalanan, kundi ang Isa+ na ipinanganak mula sa Diyos ay nagbabantay sa kaniya, at ang isa na balakyot ay hindi nakatatangan sa kaniya.+ 19 Alam natin na tayo ay nagmumula sa Diyos,+ ngunit ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng isa na balakyot.+ 20 Ngunit alam natin na ang Anak ng Diyos ay dumating,+ at binigyan niya tayo ng talino+ upang tamuhin natin ang kaalaman sa isa na tunay.+ At tayo ay kaisa+ ng isa na tunay, sa pamamagitan ng kaniyang Anak na si Jesu-Kristo. Ito ang tunay+ na Diyos at ang walang-hanggang buhay.+ 21 Mumunting mga anak, bantayan ninyo ang inyong sarili mula sa mga idolo.+