Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 3:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 “‘Ito ay isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa inyong mga salinlahi, sa lahat ng inyong mga tahanang dako: Huwag kayong kakain ng anumang taba o ng anumang dugo.’”+

  • Levitico 7:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 “‘At huwag kayong kakain ng anumang dugo+ sa alinmang dako na tinatahanan ninyo, kahit yaong sa ibon man o yaong sa hayop.

  • Levitico 17:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 “‘Kung tungkol sa sinumang tao sa mga anak ni Israel o sa sinumang naninirahang dayuhan na naninirahan bilang dayuhan sa gitna ninyo na sa pangangaso ay makahuli ng isang mailap na hayop o ng isang ibon na makakain, ibubuhos nga niya ang dugo niyaon+ at tatakpan niya iyon ng alabok.+

  • Deuteronomio 12:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Tanging ang dugo ang huwag ninyong kakainin.+ Dapat mong ibuhos iyon sa lupa gaya ng tubig.+

  • Deuteronomio 12:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Maging matatag ka lamang na ipasiyang huwag kainin ang dugo,+ sapagkat ang dugo ay siyang kaluluwa+ at huwag mong kakainin ang kaluluwa kasama ng laman.

  • Gawa 15:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 kundi sulatan sila na umiwas sa mga bagay na narumhan ng mga idolo+ at sa pakikiapid+ at sa binigti+ at sa dugo.+

  • Gawa 15:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 na patuloy na umiwas sa mga bagay na inihain sa mga idolo+ at sa dugo+ at sa mga bagay na binigti+ at sa pakikiapid.+ Kung pakaiingatan ninyo ang inyong sarili sa mga bagay na ito,+ kayo ay uunlad. Mabuting kalusugan sa inyo!”

  • Gawa 21:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Kung tungkol sa mga mananampalataya mula sa mga bansa, nagsugo na kami, na ibinibigay ang aming pasiya na dapat nilang ingatan ang kanilang sarili sa anumang inihain sa mga idolo+ at gayundin sa dugo+ at sa anumang binigti+ at sa pakikiapid.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share