Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 9:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Tanging ang laman na kasama ang kaluluwa+ nito—ang dugo+ nito—ang huwag ninyong kakainin.+

  • Levitico 3:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 “‘Ito ay isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa inyong mga salinlahi, sa lahat ng inyong mga tahanang dako: Huwag kayong kakain ng anumang taba o ng anumang dugo.’”+

  • Levitico 7:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 “‘At huwag kayong kakain ng anumang dugo+ sa alinmang dako na tinatahanan ninyo, kahit yaong sa ibon man o yaong sa hayop.

  • Levitico 17:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 “‘Kung tungkol sa sinumang tao sa sambahayan ng Israel o sa sinumang naninirahang dayuhan na naninirahan bilang dayuhan sa gitna ninyo na kakain ng anumang uri ng dugo,+ itatalaga ko nga ang aking mukha laban sa kaluluwa+ na kumakain ng dugo, at talagang lilipulin ko siya mula sa kaniyang bayan.

  • Levitico 19:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 “‘Huwag kayong kakain ng anuman na kasama ang dugo.+

      “‘Huwag kayong maghahanap ng mga tanda,+ at huwag kayong magsasagawa ng mahika.+

  • Deuteronomio 12:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Maging matatag ka lamang na ipasiyang huwag kainin ang dugo,+ sapagkat ang dugo ay siyang kaluluwa+ at huwag mong kakainin ang kaluluwa kasama ng laman.

  • Deuteronomio 15:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Tanging ang dugo nito ang huwag mong kakainin.+ Dapat mong ibuhos iyon sa lupa gaya ng tubig.+

  • 1 Samuel 14:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 At may-kasakimang dinaluhong ng bayan ang samsam+ at pinagkukuha ang mga tupa at mga baka at mga guya at pinagpapatay ang mga iyon sa lupa, at kinain ng bayan kasama ang dugo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share