Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 9:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Tanging ang laman na kasama ang kaluluwa+ nito—ang dugo+ nito—ang huwag ninyong kakainin.+

  • Levitico 17:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 “‘Kung tungkol sa sinumang tao sa sambahayan ng Israel o sa sinumang naninirahang dayuhan na naninirahan bilang dayuhan sa gitna ninyo na kakain ng anumang uri ng dugo,+ itatalaga ko nga ang aking mukha laban sa kaluluwa+ na kumakain ng dugo, at talagang lilipulin ko siya mula sa kaniyang bayan.

  • Levitico 17:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 “‘Kung tungkol sa sinumang tao sa mga anak ni Israel o sa sinumang naninirahang dayuhan na naninirahan bilang dayuhan sa gitna ninyo na sa pangangaso ay makahuli ng isang mailap na hayop o ng isang ibon na makakain, ibubuhos nga niya ang dugo niyaon+ at tatakpan niya iyon ng alabok.+

  • Deuteronomio 12:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Maging matatag ka lamang na ipasiyang huwag kainin ang dugo,+ sapagkat ang dugo ay siyang kaluluwa+ at huwag mong kakainin ang kaluluwa kasama ng laman.

  • Ezekiel 44:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 kapag pinapapasok ninyo ang mga banyagang di-tuli ang puso at di-tuli ang laman,+ upang mapasaaking santuwaryo anupat nilalapastangan iyon, ang akin ngang bahay; kapag inihahandog ninyo ang aking tinapay,+ taba+ at dugo,+ habang patuloy nilang sinisira ang aking tipan dahil sa lahat ng inyong mga karima-rimarim na bagay.+

  • Gawa 15:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 kundi sulatan sila na umiwas sa mga bagay na narumhan ng mga idolo+ at sa pakikiapid+ at sa binigti+ at sa dugo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share