Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 9:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Sapagkat sa pagkakataong ito ay pasasapitin ko ang lahat ng aking hampas laban sa iyong puso at sa iyong mga lingkod at sa iyong bayan, upang malaman mo na walang sinumang tulad ko sa buong lupa.+

  • Exodo 15:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Sino sa mga diyos ang tulad mo, O Jehova?+

      Sino ang tulad mo, na dakila sa kabanalan?+

      Ang Isa na katatakutan+ taglay ang mga awit ng papuri,+ ang Isa na gumagawa ng mga kamangha-mangha.+

  • 2 Samuel 7:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Iyan ang dahilan kung bakit ikaw ay talagang dakila,+ O Soberanong Panginoong Jehova; sapagkat wala nang iba pang katulad mo,+ at walang Diyos maliban sa iyo+ sa gitna ng lahat ng narinig namin ng aming pandinig.

  • Awit 83:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Upang malaman ng mga tao+ na ikaw, na ang pangalan ay Jehova,+

      Ikaw lamang ang Kataas-taasan+ sa buong lupa.+

  • Awit 86:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 Walang katulad mo sa gitna ng mga diyos, O Jehova,+

      Ni mayroon mang mga gawa na tulad ng sa iyo.+

  • Isaias 46:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Alalahanin ninyo ang mga unang bagay noong sinaunang panahon,+ na ako ang Makapangyarihan+ at wala nang iba pang Diyos,+ ni may sinumang tulad ko;+

  • Jeremias 10:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Talagang walang sinumang katulad mo, O Jehova.+ Ikaw ay dakila, at ang iyong pangalan ay dakila sa kalakasan.+

  • Roma 9:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Sapagkat ang Kasulatan ay nagsasabi kay Paraon: “Sa mismong dahilang ito ay pinahintulutan kitang manatili, upang may kaugnayan sa iyo ay maipakita ko ang aking kapangyarihan, at upang maipahayag ang aking pangalan sa buong lupa.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share