Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 15:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Sino sa mga diyos ang tulad mo, O Jehova?+

      Sino ang tulad mo, na dakila sa kabanalan?+

      Ang Isa na katatakutan+ taglay ang mga awit ng papuri,+ ang Isa na gumagawa ng mga kamangha-mangha.+

  • Awit 89:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Sapagkat sino sa kalangitan ang maihahambing kay Jehova?+

      Sino ang makatutulad kay Jehova sa gitna ng mga anak ng Diyos?+

  • Awit 96:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Sapagkat ang lahat ng diyos ng mga bayan ay walang-silbing mga diyos;+

      Ngunit kung tungkol kay Jehova, ginawa niya ang mismong langit.+

  • Isaias 40:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 “Ngunit kanino ninyo ako maitutulad upang ako ay makapantay niya?” ang sabi ng Banal.+

  • Jeremias 10:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Talagang walang sinumang katulad mo, O Jehova.+ Ikaw ay dakila, at ang iyong pangalan ay dakila sa kalakasan.+

  • Daniel 3:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 At mula sa akin ay inilalabas ang isang utos,+ na ang alinmang bayan, liping pambansa o wika na magsasabi ng anumang masama laban sa Diyos nina Sadrac, Mesac at Abednego ay dapat na pagputul-putulin,+ at ang bahay nito ay dapat na gawing palikurang pambayan;+ yamang walang umiiral na ibang diyos na nakapagliligtas na tulad ng isang ito.”+

  • 1 Corinto 8:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Sapagkat bagaman may mga tinatawag na “mga diyos,”+ maging sa langit+ man o sa lupa,+ kung paanong maraming “mga diyos” at maraming “mga panginoon,”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share