Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 15:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Sino sa mga diyos ang tulad mo, O Jehova?+

      Sino ang tulad mo, na dakila sa kabanalan?+

      Ang Isa na katatakutan+ taglay ang mga awit ng papuri,+ ang Isa na gumagawa ng mga kamangha-mangha.+

  • Awit 40:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Maraming bagay ang iyong ginawa,+

      O Jehova na aking Diyos, maging ang iyong mga kamangha-manghang gawa at ang iyong mga kaisipan sa amin;+

      Walang sinumang maihahambing sa iyo.+

      Naisin ko mang saysayin at salitain ang tungkol sa mga iyon,

      Ang mga iyon ay mas marami kaysa sa kaya kong isalaysay.+

  • Awit 71:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Ang iyong katuwiran, O Diyos, ay hanggang sa kaitaasan;+

      Kung tungkol sa mga dakilang bagay na iyong ginawa,+

      O Diyos, sino ang tulad mo?+

  • Awit 86:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 Walang katulad mo sa gitna ng mga diyos, O Jehova,+

      Ni mayroon mang mga gawa na tulad ng sa iyo.+

  • Awit 113:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Sino ang tulad ni Jehova na ating Diyos,+

      Siya na tumatahan sa kaitaasan?+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share