Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 4:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 At sinabi ni Jehova kay Moises: “Pagkayaon mo at pagkabalik mo sa Ehipto ay tiyakin mong isagawa ang lahat ng himala na inilagay ko sa iyong kamay sa harap ni Paraon.+ Kung tungkol sa akin, hahayaan kong magmatigas ang kaniyang puso;+ at hindi niya payayaunin ang bayan.+

  • Exodo 8:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Gayunman, pinamanhid ni Paraon ang kaniyang puso sa pagkakataon ding ito at hindi pinayaon ang bayan.+

  • Exodo 14:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Kung tungkol sa akin, narito, hahayaan kong magmatigas ang mga puso ng mga Ehipsiyo,+ upang sundan nila sila at upang magkaroon ako ng kaluwalhatian sa ganang akin sa pamamagitan ni Paraon at ng lahat ng kaniyang hukbong militar, ng kaniyang mga karong pandigma at ng kaniyang mga kabalyero.+

  • Josue 11:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Sapagkat naging pamamaraan nga ni Jehova na hayaang magpakasutil+ ang kanilang mga puso anupat magdeklara ng digmaan laban sa Israel, nang sa gayon ay maitalaga niya sila sa pagkapuksa, upang hindi sila tumanggap ng anumang paglingap,+ kundi malipol nga niya sila, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.+

  • 2 Cronica 36:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At naghimagsik+ siya maging kay Haring Nabucodonosor, na nagpasumpa sa kaniya sa harap ng Diyos;+ at patuloy niyang pinatigas+ ang kaniyang leeg at pinagmatigas+ ang kaniyang puso upang hindi manumbalik kay Jehova na Diyos ng Israel.

  • Awit 75:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Huwag ninyong itaas sa kaitaasan ang inyong sungay.

      Huwag kayong magsasalita nang may palalong leeg.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share