Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 20:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Dito ay sinabi ni Abraham: “Sapagkat sinabi ko sa aking sarili, ‘Walang alinlangan na walang takot sa Diyos sa dakong ito,+ at tiyak na papatayin nila ako dahil sa aking asawa.’+

  • Genesis 22:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At sinabi niya: “Huwag mong iunat ang iyong kamay laban sa bata at huwag kang gumawa ng anumang bagay sa kaniya,+ sapagkat ngayon ay nalalaman ko ngang ikaw ay may takot sa Diyos sa dahilang hindi mo ipinagkait sa akin ang iyong anak, ang iyong kaisa-isa.”+

  • Levitico 25:43
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 43 Huwag mo siyang yuyurakan nang may paniniil,+ at matakot ka sa iyong Diyos.+

  • 1 Samuel 12:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Matakot+ lamang kayo kay Jehova, at maglingkod kayo sa kaniya sa katotohanan nang inyong buong puso;+ sapagkat tingnan ninyo kung anong mga dakilang bagay ang ginawa niya para sa inyo.+

  • Nehemias 5:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At ako ay nagsabi: “Ang bagay na ginagawa ninyo ay hindi mabuti.+ Hindi ba kayo dapat lumakad sa takot+ sa ating Diyos+ dahil sa pandurusta+ ng mga bansa, na mga kaaway natin?+

  • Kawikaan 1:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ang pagkatakot kay Jehova ang pasimula ng kaalaman.+ Ang karunungan at disiplina ang siyang hinahamak ng mga mangmang.+

  • Kawikaan 8:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Ang pagkatakot kay Jehova ay nangangahulugan ng pagkapoot sa masama.+ Ang pagtataas sa sarili at pagmamapuri+ at ang masamang lakad at ang tiwaling bibig+ ay kinapopootan ko.

  • Gawa 9:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Sa gayon nga, ang kongregasyon+ sa buong Judea at Galilea at Samaria ay nagkaroon ng isang yugto ng kapayapaan, anupat napatitibay; at habang lumalakad ito sa pagkatakot kay Jehova+ at sa kaaliwan mula sa banal na espiritu+ ay patuloy itong dumarami.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share