Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 22:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 “‘At kung ang isang tao ay maghandog ng haing pansalu-salo+ para kay Jehova upang tumupad sa isang panata+ o bilang kusang-loob na handog, iyon ay dapat na yaong malusog mula sa bakahan o sa kawan, upang kamtin ang pagsang-ayon. Iyon ay dapat na walang anumang kapintasan.

  • Bilang 30:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Kung ang isang lalaki ay manata+ kay Jehova o sumumpa ng isang sumpa+ na magtalaga sa kaniyang kaluluwa ng isang panata ng pagkakait sa sarili,+ huwag niyang lalabagin ang kaniyang salita.+ Gagawin niya ang ayon sa lahat ng lumabas sa kaniyang bibig.+

  • Hukom 11:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Nang magkagayon ay nanata si Jepte+ kay Jehova at sinabi: “Kung walang pagsalang ibibigay mo ang mga anak ni Ammon sa aking kamay,

  • 1 Samuel 1:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At siya ay nanata+ at nagsabi: “O Jehova ng mga hukbo, kung walang pagsalang titingnan mo ang kapighatian ng iyong aliping babae+ at aalalahanin mo nga ako,+ at hindi mo kalilimutan ang iyong aliping babae at bibigyan mo nga ang iyong aliping babae ng isang supling na lalaki, ibibigay ko siya kay Jehova sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay, at walang labaha ang daraan sa kaniyang ulo.”+

  • Awit 66:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Papasok ako sa iyong bahay taglay ang mga buong handog na sinusunog;+

      Tutuparin ko sa iyo ang aking mga panata+

  • Kawikaan 20:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Isa ngang silo kapag ang makalupang tao ay humiyaw nang padalus-dalos, “Banal!”+ at pagkatapos ng mga panata+ ay saka lamang niya maiisipang magsuri.+

  • Eclesiastes 5:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Kailanma’t nanata ka ng isang panata sa Diyos, huwag kang mag-atubiling tuparin iyon,+ sapagkat walang kaluguran sa mga hangal.+ Ang ipinanata mo ay tuparin mo.+

  • Gawa 21:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Kaya nga gawin mo itong sinasabi namin sa iyo: Mayroon kaming apat na lalaki na may panata sa kanilang sarili.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share