-
Deuteronomio 31:21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 At mangyayari nga na kapag dumating sa kanila ang maraming kapahamakan at kabagabagan,+ ang awit na ito ay sasagot din naman sa harap nila bilang saksi, sapagkat hindi ito dapat malimutan mula sa bibig ng kanilang supling, sapagkat nalalaman kong lubos ang kanilang hilig+ na tumutubo sa kanila ngayon bago ko sila dalhin sa lupain na isinumpa ko.”
-
-
Nehemias 9:27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 Dahil dito ay ibinigay mo sila sa kamay ng kanilang mga kalaban,+ na patuloy na pumipighati sa kanila;+ ngunit sa panahon ng kanilang kabagabagan ay dumaraing sila sa iyo,+ at ikaw ay dumirinig mula sa mismong langit;+ at ayon sa iyong saganang awa+ ay binibigyan mo sila ng mga tagapagligtas+ na nagliligtas sa kanila mula sa kamay ng kanilang mga kalaban.+
-