11 At pinalambot ni Moises ang mukha ni Jehova na kaniyang Diyos+ at sinabi: “O Jehova, bakit lalagablab ang iyong galit+ laban sa iyong bayan na inilabas mo mula sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan at ng isang malakas na kamay?
10 At ako—tumigil ako sa bundok na gaya ng mga unang araw, apatnapung araw at apatnapung gabi,+ at nakinig din si Jehova sa akin nang pagkakataong iyon.+ Hindi nais ni Jehova na ipahamak ka.+