Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 26:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 tiyak na ibibigay ko rin sa inyo ang mga buhos ng ulan sa kanilang tamang panahon,+ at ibibigay nga ng lupain ang kaniyang ani,+ at ibibigay ng punungkahoy sa parang ang kaniyang bunga.+

  • Deuteronomio 28:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Bubuksan sa iyo ni Jehova ang kaniyang mabuting imbakan, ang langit, upang bigyan ng ulan ang iyong lupain sa kapanahunan nito+ at upang pagpalain ang bawat gawa ng iyong kamay;+ at tiyak na magpapahiram ka sa maraming bansa, samantalang ikaw ay hindi manghihiram.+

  • Awit 65:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Dinidilig ang mga tudling nito, pinapatag ang mga kimpal nito;+

      Pinalalambot mo ito sa saganang ulan; pinagpapala mo ang mismong mga sibol nito.+

  • Isaias 30:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 At tiyak na ibibigay niya ang ulan para sa iyong binhi na inihahasik mo sa lupa,+ at bilang bunga ng lupa ay tinapay, na magiging mataba at malangis.+ Ang iyong mga alagang hayop ay manginginain sa araw na iyon sa isang malawak na pastulan.+

  • Jeremias 14:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Mayroon bang sinuman sa mga walang-kabuluhang idolo+ ng mga bansa na makapagpapaulan, o makapagbibigay ba ng saganang ulan ang langit?+ Hindi ba ikaw ang Isang iyon, O Jehova na aming Diyos?+ At umaasa kami sa iyo, sapagkat ikaw ang gumawa ng lahat ng mga bagay na ito.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share