Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 15:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Gayunman, walang sinuman ang dapat maging dukha sa gitna mo, sapagkat walang pagsalang pagpapalain+ ka ni Jehova sa lupain na ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos bilang mana upang ariin,+

  • Deuteronomio 24:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 “Kung gagapasin mo ang iyong ani sa iyong bukid,+ at nakalimutan mo ang isang tungkos sa bukid, huwag kang babalik upang kunin iyon. Iyon ay mananatili para sa naninirahang dayuhan, para sa batang lalaking walang ama at para sa babaing balo;+ upang pagpalain ka ni Jehova na iyong Diyos sa bawat gawa ng iyong kamay.+

  • Awit 41:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 41 Maligaya ang sinumang gumagawi nang may pakundangan sa maralita;+

      Sa araw ng kapahamakan ay paglalaanan siya ni Jehova ng pagtakas.+

  • Kawikaan 22:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Siyang may mabait na mata ay pagpapalain, sapagkat nagbigay siya ng kaniyang pagkain sa maralita.+

  • Isaias 32:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Kung tungkol sa isa na bukas-palad, nagpapayo siya ukol sa mga bagay na bukas-palad; at para sa mga bagay na bukas-palad ay titindig siya.+

  • 2 Corinto 9:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Bukod diyan, magagawa ng Diyos na managana sa inyo ang kaniyang buong di-sana-nararapat na kabaitan, upang habang lagi kayong may lubos na kasapatan sa lahat ng bagay ay magkaroon kayo ng sagana para sa bawat gawang mabuti.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share