Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 23:40
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 40 At kukunin ninyo sa ganang inyo sa unang araw ang bunga ng magagandang punungkahoy, ang mga sanga ng mga puno ng palma+ at ang mga sanga ng mayayabong na punungkahoy at ng mga alamo sa agusang libis, at magsasaya+ kayo sa harap ni Jehova na inyong Diyos nang pitong araw.

  • Deuteronomio 12:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At magsaya kayo sa harap ni Jehova na inyong Diyos,+ kayo at ang inyong mga anak na lalaki at ang inyong mga anak na babae at ang inyong mga aliping lalaki at ang inyong mga aliping babae at ang Levita na nasa loob ng inyong mga pintuang-daan, sapagkat wala siyang bahagi o mana na kasama ninyo.+

  • Deuteronomio 26:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At magsasaya ka+ dahil sa lahat ng kabutihan na ibinigay ni Jehova na iyong Diyos sa iyo at sa iyong sambahayan, ikaw at ang Levita at ang naninirahang dayuhan na nasa gitna mo.+

  • Nehemias 8:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 At sinabi niya sa kanila: “Yumaon kayo, kainin ninyo ang matatabang bagay at inumin ninyo ang matatamis na bagay, at padalhan ninyo ng mga bahagi ng pagkain+ yaong hindi ipinaghanda ng anuman; sapagkat ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon, at huwag kayong mamighati, sapagkat ang kagalakan kay Jehova ang inyong moog.”

  • Nehemias 8:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Sa gayon ang buong kongregasyon niyaong mga bumalik mula sa pagkabihag ay gumawa ng mga kubol at nanahanan sa mga kubol; sapagkat ang gayon ay hindi ginawa ng mga anak ni Israel mula nang mga araw ni Josue na anak ni Nun+ hanggang sa araw na iyon, kung kaya nagkaroon ng napakalaking pagsasaya.+

  • Eclesiastes 5:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Narito! Ang pinakamabuting bagay na nakita ko mismo, na siyang maganda, ay na ang isa ay kumain at uminom at magtamasa ng kabutihan dahil sa lahat ng kaniyang pagpapagal+ na pinagpapagalan niya sa ilalim ng araw sa bilang ng mga araw ng kaniyang buhay na ibinigay sa kaniya ng tunay na Diyos, sapagkat iyon ang kaniyang takdang bahagi.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share