Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Josue 11:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 At kinuha ni Josue ang buong lupaing ito, ang bulubunduking pook at ang buong Negeb+ at ang buong lupain ng Gosen+ at ang Sepela+ at ang Araba+ at ang bulubunduking pook ng Israel at ang Sepela+ nito,

  • Josue 21:44
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 44 Karagdagan pa, binigyan sila ni Jehova ng kapahingahan+ sa buong palibot, ayon sa lahat ng bagay na isinumpa niya+ sa kanilang mga ninuno, at walang isa man sa lahat ng kanilang mga kaaway ang nakatayo sa harap nila.+ Ang lahat ng kanilang mga kaaway ay ibinigay ni Jehova sa kanilang kamay.+

  • Nehemias 9:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Kaya pumasok ang kanilang mga anak+ at inari nila ang lupain,+ at sinupil+ mo sa harap nila ang mga tumatahan sa lupain, ang mga Canaanita,+ at ibinigay mo ang mga iyon sa kanilang kamay, maging ang kanilang mga hari+ at ang mga bayan ng lupain,+ upang gawin sa mga iyon ang ayon sa kagustuhan nila.+

  • Awit 78:55
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 55 At nang maglaon ay pinalayas niya ang mga bansa dahil sa kanila,+

      At sa pamamagitan ng pising panukat ay tinakdaan niya sila ng mana,+

      Anupat pinatahan niya ang mga tribo ng Israel sa kanilang sariling mga tahanan.+

  • Awit 105:44
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 44 At nang maglaon ay ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa,+

      At inari nila ang bunga ng pagpapagal ng mga liping pambansa,+

  • Gawa 7:45
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 45 At ipinasok din ito ng ating mga ninuno na nagmana nito kasama ni Josue+ sa lupain na pag-aari ng mga bansa,+ na pinalayas ng Diyos mula sa harap ng ating mga ninuno.+ Dito iyon nanatili hanggang noong mga araw ni David.

  • Gawa 13:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Pagkatapos na wasakin ang pitong bansa sa lupain ng Canaan, ipinamahagi niya ang lupain sa kanila sa pamamagitan ng palabunutan:+

  • Hebreo 11:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Sa pananampalataya ang mga pader ng Jerico ay bumagsak pagkatapos na maligiran ang mga iyon sa loob ng pitong araw.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share