Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Josue 15:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At ang hangganan ay umahon tungo sa libis ng anak ni Hinom+ tungo sa dalisdis ng Jebusita+ sa timog, na siyang Jerusalem;+ at ang hangganan ay umahon sa taluktok ng bundok na nakaharap sa libis ng Hinom sa dakong kanluran, na nasa dulo ng mababang kapatagan ng Repaim+ sa dakong hilaga.

  • 2 Cronica 28:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At siya ay gumawa ng haing usok+ sa libis ng anak ni Hinom+ at sinunog sa apoy ang kaniyang mga anak,+ ayon sa mga karima-rimarim+ na bagay ng mga bansang pinalayas ni Jehova mula sa harap ng mga anak ni Israel.+

  • Jeremias 7:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 At itinayo nila ang matataas na dako ng Topet,+ na nasa libis ng anak ni Hinom,+ upang sunugin sa apoy ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae,+ isang bagay na hindi ko iniutos ni pumasok man sa aking puso.’+

  • Jeremias 19:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 At lumabas ka sa libis ng anak ni Hinom,+ na nasa pasukan ng Pintuang-daan ng mga Basag na Palayok. At doon ay ihayag mo ang mga salita na sasalitain ko sa iyo.+

  • Mateo 5:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Gayunman, sinasabi ko sa inyo na ang bawat isa na patuloy na napopoot+ sa kaniyang kapatid ay magsusulit+ sa hukuman ng katarungan; ngunit ang sinumang nagsasalita sa kaniyang kapatid ng isang di-mabigkas na salita ng paghamak ay magsusulit sa Kataas-taasang Hukuman; samantalang ang sinumang nagsasabi, ‘Ikaw na kasuklam-suklam na mangmang!’ ay nararapat sa maapoy na Gehenna.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share