20 “Magtipon kayo at pumarito.+ Magpisan-pisan kayo, kayong mga takas mula sa mga bansa.+ Yaong mga nagdadala ng kahoy ng kanilang inukit na imahen ay hindi sumapit sa anumang kaalaman, ni yaon mang mga nananalangin sa isang diyos na hindi makapagligtas.+
7 Pinapasan nila iyon sa balikat,+ binubuhat nila iyon at inilalagay sa dako niyaon upang makatayo. Mula sa kinatatayuan niyaon ay hindi iyon umaalis.+ May dumaraing pa nga roon, ngunit iyon ay hindi sumasagot; mula sa kaniyang kabagabagan ay hindi siya inililigtas niyaon.+