-
1 Hari 18:26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 Sa gayon ay kinuha nila ang guyang toro na ibinigay niya sa kanila. Pagkatapos ay inihanda nila iyon, at patuloy silang tumawag sa pangalan ni Baal mula umaga hanggang tanghali, na sinasabi: “O Baal, sagutin mo kami!” Ngunit walang tinig,+ at walang sinumang sumasagot.+ At patuloy silang umiika-ika sa palibot ng altar na kanilang ginawa.
-
-
Isaias 37:38Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
38 At nangyari nga na habang yumuyukod siya sa bahay ni Nisroc+ na kaniyang diyos,+ siya ay pinatay nina Adramelec at Sarezer, na kaniyang sariling mga anak, sa pamamagitan ng tabak,+ at sila ay tumakas patungo sa lupain ng Ararat.+ At si Esar-hadon+ na kaniyang anak ay nagsimulang maghari bilang kahalili niya.
-
-
Jonas 1:5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 At ang mga marinero ay nagsimulang matakot at humingi ng saklolo, bawat isa ay sa kaniyang diyos.+ At inihagis nila sa dagat ang mga kagamitang nasa barko, upang makapagpagaan ito sa kanila.+ Ngunit si Jonas ay bumaba sa kaloob-loobang bahagi ng sasakyang may kubyerta, at siya ay humiga at nakatulog nang mahimbing.+
-