Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 115:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 May bibig sila, ngunit hindi sila makapagsalita;+

      May mga mata sila, ngunit hindi sila makakita;+

  • Awit 135:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 May bibig sila, ngunit wala silang masalita;+

      May mga mata sila, ngunit wala silang makita;+

  • Isaias 44:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Hindi sila nakaaalam,+ ni nakauunawa man sila,+ sapagkat ang kanilang mga mata ay pinahiran upang hindi makakita,+ ang kanilang puso upang hindi magkaroon ng kaunawaan.+

  • Isaias 45:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 “Magtipon kayo at pumarito.+ Magpisan-pisan kayo, kayong mga takas mula sa mga bansa.+ Yaong mga nagdadala ng kahoy ng kanilang inukit na imahen ay hindi sumapit sa anumang kaalaman, ni yaon mang mga nananalangin sa isang diyos na hindi makapagligtas.+

  • Jeremias 10:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Sila ay gaya ng panakot ng ibon sa bukid ng mga pipino, at hindi makapagsalita.+ Kailangang buhatin sila, sapagkat hindi sila makahakbang.+ Huwag kayong matakot dahil sa kanila, sapagkat hindi sila makagagawa ng anumang kapaha-pahamak at, isa pa, ang paggawa ng anumang mabuti ay wala sa kanila.”+

  • Daniel 5:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Kundi laban sa Panginoon ng langit ay dinakila mo ang iyong sarili,+ at dinala nila sa harap mo maging ang mga sisidlan sa kaniyang bahay;+ at ikaw mismo at ang iyong mga taong mahal, ang iyong mga babae at ang iyong mga pangalawahing asawa ay uminom ng alak sa mga iyon, at pinuri mo ang mga hamak na diyos na yari sa pilak at yari sa ginto, tanso, bakal, kahoy at bato,+ na hindi nakakakita ng anuman o nakaririnig ng anuman o nakaaalam ng anuman;+ ngunit ang Diyos na sa kaniyang kamay ay naroon ang iyong hininga+ at siyang nagmamay-ari ng lahat ng iyong lakad+ ay hindi mo niluwalhati.+

  • Habakuk 2:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Ano ang naging pakinabang sa inukit na imahen,+ nang ito ay ukitin ng tagapag-anyo nito, isang binubong estatuwa, at tagapagturo ng kabulaanan?+ nang ang tagapag-anyo ng anyo nito ay magtiwala rito,+ anupat gumawa ng walang-silbing mga diyos na pipi?+

  • 1 Corinto 8:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Ngayon may kinalaman sa pagkain+ ng mga pagkaing inihandog sa mga idolo, alam natin na ang isang idolo ay walang anuman+ sa sanlibutan, at na walang Diyos maliban sa isa.+

  • 1 Corinto 10:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Ano, kung gayon, ang sasabihin ko? Na yaong inihahain sa idolo ay may anumang kabuluhan, o na ang isang idolo ay may anumang kabuluhan?+

  • 1 Corinto 12:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Alam ninyo na noong kayo ay mga tao ng mga bansa,+ inaakay kayo patungo sa walang-imik+ na mga idolong+ iyon ayon sa pagkaakay sa inyo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share