-
Genesis 43:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Kaya sinabi sa kanila ni Israel na kanilang ama: “Kung gayon nga,+ gawin ninyo ito: Dalhin ninyo ang pinakamaiinam na produkto ng lupain sa inyong mga lalagyan at dalhin ninyo ang mga iyon sa lalaki bilang kaloob:+ kaunting balsamo,+ at kaunting pulot-pukyutan,+ ladano at madagtang talob,+ mga nuwes ng pistasyo at mga almendras.+
-
-
Exodo 3:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 At bababa ako upang hanguin sila mula sa kamay ng mga Ehipsiyo+ at upang iahon sila mula sa lupaing iyon tungo sa isang lupaing mabuti at maluwang, sa isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan,+ sa kinaroroonan ng mga Canaanita at ng mga Hiteo at ng mga Amorita at ng mga Perizita at ng mga Hivita at ng mga Jebusita.+
-