Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 33:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Maligaya ka, O Israel!+

      Sino ang gaya mo,+

      Isang bayan na nagtatamasa ng kaligtasan kay Jehova,+

      Ang kalasag na iyong tulong,+

      At Siya na iyong tabak na marilag?+

      Kaya ang iyong mga kaaway ay susukut-sukot sa harap mo,+

      At ikaw—sa kanilang matataas na dako ay tutuntong ka.”+

  • Hukom 2:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 At nang magbangon si Jehova ng mga hukom+ para sa kanila, si Jehova ay sumahukom, at iniligtas niya sila mula sa kamay ng kanilang mga kaaway sa lahat ng mga araw ng hukom; sapagkat ikinalulungkot+ ni Jehova ang kanilang pagdaing dahil sa mga naniniil+ sa kanila at doon sa mga umaapi sa kanila.

  • 2 Hari 19:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 At tiyak na ipagtatanggol+ ko ang lunsod na ito upang iligtas ito alang-alang sa akin+ at alang-alang kay David na aking lingkod.” ’ ”+

  • Awit 17:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Gawin mong kamangha-mangha ang iyong mga gawa ng maibiging-kabaitan,+ O Tagapagligtas niyaong mga nanganganlong

      Mula sa mga naghihimagsik laban sa iyong kanang kamay.+

  • Awit 44:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Sapagkat iniligtas mo kami sa aming mga kalaban,+

      At yaong mga masidhing napopoot sa amin ay inilagay mo sa kahihiyan.+

  • Isaias 63:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At sinabi niya: “Tunay na sila ay aking bayan,+ mga anak na hindi magbubulaan.”+ Kaya sa kanila ay siya ang naging Tagapagligtas.+

  • Oseas 1:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ngunit ang sambahayan ni Juda ay pagpapakitaan ko ng awa,+ at ililigtas ko sila sa pamamagitan ni Jehova na kanilang Diyos;+ ngunit hindi ko sila ililigtas sa pamamagitan ng busog o sa pamamagitan ng tabak o sa pamamagitan ng digmaan, sa pamamagitan ng mga kabayo o sa pamamagitan ng mga mangangabayo.”+

  • 1 Timoteo 4:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Sapagkat sa layuning ito ay nagpapagal tayo at nagpupunyagi,+ sapagkat inilagak natin ang ating pag-asa+ sa isang Diyos na buháy, na siyang Tagapagligtas+ ng lahat ng uri ng mga tao,+ lalo na ng mga tapat.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share