-
Deuteronomio 31:29Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 Sapagkat nalalaman kong lubos na pagkamatay ko ay walang pagsalang gagawi kayo nang kapaha-pahamak,+ at tiyak na lilihis kayo mula sa daan na iniutos ko sa inyo; at kapahamakan+ ang sasapit nga sa inyo sa pagtatapos ng mga araw, sapagkat gagawin ninyo ang masama sa paningin ni Jehova upang galitin siya sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay.”+
-
-
Josue 23:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 dahil sa paglabag ninyo sa tipan ni Jehova na inyong Diyos na iniutos niya sa inyo, at dahil kayo ay yumaon at naglingkod sa ibang mga diyos at yumukod sa kanila.+ At ang galit ni Jehova ay tiyak na lalagablab laban sa inyo,+ at tiyak na malilipol kayo nang mabilis mula sa mabuting lupain na ibinigay niya sa inyo.”+
-
-
Nehemias 9:26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 “Gayunman, sila ay naging masuwayin+ at naghimagsik laban sa iyo+ at patuloy na itinatapon ang iyong kautusan sa kanilang likuran,+ at ang iyong mga propeta ay kanilang pinatay,+ na nagpatotoo laban sa kanila upang ipanumbalik sila sa iyo;+ at sila ay nagsigawa ng mga gawa ng matinding kawalang-galang.+
-