-
Deuteronomio 31:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Narito! Ikaw ay hihigang kasama ng iyong mga ninuno;+ at ang bayang ito ay tiyak na babangon+ at magkakaroon ng imoral na pakikipagtalik sa mga banyagang diyos ng lupain na kanilang paroroonan,+ sa mismong gitna nila, at tiyak na iiwan nila ako+ at sisirain ang aking tipan na ipinakipagtipan ko sa kanila.+
-
-
2 Cronica 15:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Dahil dito ay lumabas siya at humarap kay Asa at nagsabi sa kaniya: “Dinggin ninyo ako, O Asa at buong Juda at Benjamin! Si Jehova ay sumasainyo hangga’t kayo ay sumasakaniya;+ at kung hahanapin+ ninyo siya, hahayaan niyang siya ay masumpungan ninyo, ngunit kung iiwan ninyo siya ay iiwan niya kayo.+
-
-
Jeremias 2:19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Dapat kang ituwid ng iyong kasamaan,+ at dapat kang sawayin ng iyong mga gawa ng kawalang-katapatan.+ Alamin mo nga at tingnan na ang pag-iwan mo kay Jehova na iyong Diyos ay isang bagay na masama at mapait,+ at hindi ito nagbunga sa iyo ng panghihilakbot sa akin,’+ ang sabi ng Soberanong+ Panginoon, si Jehova ng mga hukbo.
-