Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 55:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Iwan ng taong balakyot ang kaniyang lakad,+ at ng taong mapaminsala ang kaniyang mga kaisipan;+ at manumbalik siya kay Jehova, na maaawa sa kaniya,+ at sa ating Diyos, sapagkat magpapatawad siya nang sagana.+

  • Ezekiel 33:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Sabihin mo sa kanila, ‘ “Buháy ako,” ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova, “ako ay nalulugod, hindi sa kamatayan ng balakyot,+ kundi sa panunumbalik+ ng balakyot mula sa kaniyang lakad upang patuloy nga siyang mabuhay.+ Manumbalik kayo, manumbalik kayo mula sa inyong masasamang lakad,+ sapagkat bakit nga ba kayo mamamatay, O sambahayan ng Israel?” ’+

  • Habakuk 1:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Bakit mo ipinakikita sa akin yaong nakasasakit, at patuloy kang tumitingin sa kabagabagan? At bakit nasa harap ko ang pananamsam at karahasan, at bakit may pag-aaway, at bakit may hidwaan?+

  • Habakuk 1:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Napakadalisay ng iyong mga mata upang tumingin sa kasamaan; at ang tingnan ang kabagabagan ay hindi mo magagawa.+ Bakit mo tinitingnan yaong mga nakikitungo nang may kataksilan,+ na nananahimik ka kapag nilalamon ng balakyot ang isang higit na matuwid kaysa sa kaniya?+

  • Roma 9:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Sapagkat ang Kasulatan ay nagsasabi kay Paraon: “Sa mismong dahilang ito ay pinahintulutan kitang manatili, upang may kaugnayan sa iyo ay maipakita ko ang aking kapangyarihan, at upang maipahayag ang aking pangalan sa buong lupa.”+

  • Roma 9:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Ngayon, kung ang Diyos, bagaman niloloob na ipakita ang kaniyang poot at ihayag ang kaniyang kapangyarihan, ay nagparaya taglay ang labis na mahabang pagtitiis sa mga sisidlan ng poot na ginawang karapat-dapat sa pagkapuksa,+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share