Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kawikaan 1:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Manumbalik kayo dahil sa aking saway.+ Kung magkagayon ay pabubukalin ko sa inyo ang aking espiritu;+ ipaaalam ko sa inyo ang aking mga salita.+

  • Isaias 55:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Iwan ng taong balakyot ang kaniyang lakad,+ at ng taong mapaminsala ang kaniyang mga kaisipan;+ at manumbalik siya kay Jehova, na maaawa sa kaniya,+ at sa ating Diyos, sapagkat magpapatawad siya nang sagana.+

  • Jeremias 3:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 “Manumbalik kayo, kayong mga anak na suwail.+ Pagagalingin ko ang inyong pagkasuwail.”+

      “Narito kami! Pumarito kami sa iyo, sapagkat ikaw, O Jehova, ang aming Diyos.+

  • Jeremias 25:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 na sinasabi nila, ‘Manumbalik kayo, pakisuyo, bawat isa mula sa kaniyang masamang lakad at mula sa kasamaan ng inyong mga pakikitungo,+ at patuloy kayong manahanan sa lupa na ibinigay ni Jehova sa inyo at sa inyong mga ninuno mula noong sinaunang panahon at hanggang sa mahabang panahong darating.+

  • Ezekiel 14:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 “Kaya sabihin mo sa sambahayan ng Israel, ‘Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Bumalik kayo at talikuran ninyo ang inyong mga karumal-dumal na idolo+ at italikod ninyo ang inyong mga mukha mula sa lahat ng inyong karima-rimarim na bagay;+

  • Oseas 14:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 “Manumbalik ka kay Jehova na iyong Diyos,+ O Israel, sapagkat nabuwal ka sa iyong kamalian.+

  • Gawa 3:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 “Kaya nga magsisi kayo,+ at manumbalik+ upang mapawi ang inyong mga kasalanan,+ upang ang mga kapanahunan ng pagpapaginhawa+ ay dumating mula sa mismong persona ni Jehova

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share