-
2 Hari 17:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 at si Jehova ay patuloy na nagbabala+ sa Israel+ at Juda+ sa pamamagitan ng lahat ng kaniyang mga propeta+ at ng bawat tagapangitain,+ na nagsasabi: “Tumalikod kayo mula sa inyong masasamang lakad+ at tuparin ninyo ang aking mga utos,+ ang aking mga batas,+ ayon sa lahat ng kautusan+ na iniutos ko sa inyong mga ninuno+ at siyang ipinadala ko sa inyo sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta”;+
-
-
Jeremias 18:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 “At ngayon ay sabihin mo, pakisuyo, sa mga tao ng Juda at sa mga tumatahan sa Jerusalem, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Narito, ako ay bubuo laban sa inyo ng isang kapahamakan at mag-iisip laban sa inyo ng isang kaisipan.+ Tumalikod kayo, pakisuyo, bawat isa mula sa kaniyang masamang lakad, at pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga pakikitungo.” ’ ”+
-
-
Jeremias 35:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 At patuloy kong isinusugo sa inyo ang lahat ng aking mga lingkod na mga propeta,+ na bumabangon nang maaga at isinusugo sila, na sinasabi, ‘Manumbalik kayo, pakisuyo, bawat isa mula sa kaniyang masamang lakad,+ at pabutihin ninyo ang inyong mga pakikitungo,+ at huwag kayong sumunod sa ibang mga diyos upang maglingkod sa kanila.+ At patuloy kayong manahanan sa lupa na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga ninuno.’+ Ngunit hindi ninyo ikiniling ang inyong pandinig, ni nakinig man kayo sa akin.+
-
-
Ezekiel 33:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Sabihin mo sa kanila, ‘ “Buháy ako,” ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova, “ako ay nalulugod, hindi sa kamatayan ng balakyot,+ kundi sa panunumbalik+ ng balakyot mula sa kaniyang lakad upang patuloy nga siyang mabuhay.+ Manumbalik kayo, manumbalik kayo mula sa inyong masasamang lakad,+ sapagkat bakit nga ba kayo mamamatay, O sambahayan ng Israel?” ’+
-
-
Zacarias 1:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 “ ‘Huwag kayong maging gaya ng inyong mga ama + na sa kanila ay tumawag ang mga propeta noong una, + na sinasabi: “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Manumbalik kayo, pakisuyo, mula sa inyong masasamang lakad at mula sa inyong masasamang pakikitungo.’ ” ’ +
“ ‘Ngunit hindi sila nakinig, at hindi sila nagbigay-pansin sa akin,’ + ang sabi ni Jehova.
-