Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Job 29:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Noong ang kaniyang lampara ay pinasisikat niya sa aking ulo,

      Kapag lumalakad ako sa kadiliman sa pamamagitan ng kaniyang liwanag;+

  • Awit 27:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Si Jehova ang aking liwanag+ at aking kaligtasan.+

      Kanino ako matatakot?+

      Si Jehova ang moog ng aking buhay.+

      Kanino ako manghihilakbot?+

  • Awit 43:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Isugo mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan.+

      Patnubayan nawa ako ng mga ito.+

      Dalhin nawa ako ng mga ito sa iyong banal na bundok at sa iyong maringal na tabernakulo.+

  • Isaias 2:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 O mga tao ng sambahayan ni Jacob, pumarito kayo at lumakad tayo sa liwanag ni Jehova.+

  • 2 Corinto 4:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Sapagkat ang Diyos ang siyang nagsabi: “Pasikatin ang liwanag mula sa kadiliman,”+ at siya ay sumikat sa ating mga puso upang bigyang-liwanag+ ang mga ito ng maluwalhating kaalaman+ sa Diyos sa pamamagitan ng mukha ni Kristo.+

  • Santiago 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Ang bawat mabuting kaloob+ at ang bawat sakdal na regalo ay mula sa itaas,+ sapagkat bumababa ito mula sa Ama ng makalangit na mga liwanag,+ at sa kaniya ay wala man lamang pagbabago sa pagbaling ng anino.+

  • 1 Pedro 2:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Ngunit kayo ay “isang piniling lahi, isang maharlikang pagkasaserdote, isang banal na bansa,+ isang bayang ukol sa pantanging pag-aari,+ upang ipahayag ninyo nang malawakan ang mga kagalingan”+ ng isa na tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kaniyang kamangha-manghang liwanag.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share