Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 24:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 “Kung gagapasin mo ang iyong ani sa iyong bukid,+ at nakalimutan mo ang isang tungkos sa bukid, huwag kang babalik upang kunin iyon. Iyon ay mananatili para sa naninirahang dayuhan, para sa batang lalaking walang ama at para sa babaing balo;+ upang pagpalain ka ni Jehova na iyong Diyos sa bawat gawa ng iyong kamay.+

  • Awit 25:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Ang kaniyang kaluluwa ay manunuluyan sa kabutihan,+

      At aariin ng kaniyang supling ang lupa.+

  • Awit 112:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  2 Magiging makapangyarihan sa lupa ang kaniyang supling.+

      ד [Dalet]

      Kung tungkol sa salinlahi ng mga matuwid, iyon ay pagpapalain.+

  • Awit 145:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Sa iyo nakatingin nang may pag-asam ang mga mata ng lahat,+

      At binibigyan mo sila ng kanilang pagkain sa kapanahunan.+

  • Kawikaan 10:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Hindi pababayaan ni Jehova na magutom ang kaluluwa ng matuwid,+ ngunit ang paghahangad ng mga balakyot ay kaniyang itataboy.+

  • Kawikaan 13:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Ang isa na mabuti ay mag-iiwan ng mana sa mga anak ng mga anak, at ang yaman ng makasalanan ay nakaimbak para sa matuwid.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share