2At ito ang mga anak ng nasasakupang distrito+ na umahon mula sa pagkabihag ng itinapong+ bayan na dinala ni Nabucodonosor na hari ng Babilonya sa pagkatapon+ sa Babilonya at nang maglaon ay siyang bumalik+ sa Jerusalem at Juda,+ ang bawat isa sa kaniyang sariling lunsod;
18 Ito ang sinabi ni Jehova: “Narito, titipunin ko ang mga nabihag mula sa mga tolda ng Jacob,+ at ang kaniyang mga tabernakulo ay kahahabagan ko. At ang lunsod ay muli ngang itatayo sa ibabaw ng kaniyang bunton;+ at sa ibabaw ng marapat na kalalagyan nito ay malalagay ang tirahang tore.+
23 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: “Sasabihin pa nila ang salitang ito sa lupain ng Juda at sa kaniyang mga lunsod, kapag tinipon ko ang kanilang mga bihag, ‘Pagpalain ka nawa ni Jehova,+ O matuwid na tahanang dako,+ O banal na bundok.’+
25 “Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Ngayon ko ibabalik ang mga nabihag sa Jacob+ at talagang kaaawaan ang buong sambahayan ng Israel;+ at ako ay magpapakita ng bukod-tanging debosyon para sa aking banal na pangalan.+