Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 15:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 At sinabi niya: “Kung mahigpit mong diringgin ang tinig ni Jehova na iyong Diyos at gagawin ang tama sa kaniyang paningin at magtutuon nga ng pandinig sa kaniyang mga utos at tutuparin ang lahat ng kaniyang mga tuntunin,+ wala akong ilalagay na anumang karamdaman sa iyo na inilagay ko sa mga Ehipsiyo;+ sapagkat ako ay si Jehova na nagpapagaling sa iyo.”+

  • Deuteronomio 7:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 At tiyak na aalisin sa iyo ni Jehova ang bawat sakit; at kung tungkol sa lahat ng masasamang karamdaman ng Ehipto na nalaman mo,+ hindi niya ilalagay sa iyo ang mga iyon, at ilalagay nga niya ang mga iyon sa lahat ng mga napopoot sa iyo.

  • Awit 41:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Aalalayan siya ni Jehova sa kama ng karamdaman;+

      Ang buong higaan niya ay papalitan mo nga sa panahon ng kaniyang pagkakasakit.+

  • Awit 147:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Pinagagaling+ niya ang mga may pusong wasak,+

      At tinatalian niya ang kanilang makikirot na bahagi.+

  • Isaias 33:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 At walang sinumang tumatahan ang magsasabi: “Ako ay may sakit.”+ Ang bayan na mananahanan sa lupain ay yaong mga pinagpaumanhinan sa kanilang kamalian.+

  • Jeremias 17:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Pagalingin mo ako, O Jehova, at ako ay gagaling.+ Iligtas mo ako, at ako ay maliligtas;+ sapagkat ikaw ang aking pinupuri.+

  • Santiago 5:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 At ang panalangin ng pananampalataya ay magpapagaling sa isa na may dinaramdam,+ at ibabangon siya ni Jehova.+ Gayundin, kung nakagawa siya ng mga kasalanan, ito ay ipatatawad sa kaniya.+

  • Apocalipsis 21:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 At papahirin niya ang bawat luha+ sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan,+ ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man.+ Ang mga dating bagay ay lumipas na.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share