Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Samuel 22:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 At ang mapagpakumbabang bayan ay ililigtas mo;+

      Ngunit ang iyong mga mata ay laban sa mga palalo, upang maibaba mo sila.+

  • Awit 10:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Ang balakyot ay hindi nagsasaliksik+ dahil sa kaniyang matayog na kapalaluan;

      Ang buo niyang kaisipan ay: “Walang Diyos.”+

  • Awit 18:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Sapagkat ang napipighating bayan ay iyong ililigtas;+

      Ngunit ang palalong mga mata ay ibababa mo.+

  • Awit 101:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Ang sinumang lihim na naninirang-puri sa kaniyang kasamahan,+

      Siya ay pinatatahimik ko.+

      Ang sinumang may mga palalong mata at may mapagmataas na puso,+

      Siya ay hindi ko mababata.+

  • Kawikaan 6:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 matayog na mga mata,+ bulaang dila,+ at mga kamay na nagbububo ng dugong walang-sala,+

  • Kawikaan 14:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Ang tungkod ng kapalaluan ay nasa bibig ng mangmang,+ ngunit ang mga labi ng marurunong ang magbabantay sa kanila.+

  • Isaias 2:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Ang palalong mga mata ng makalupang tao ay mábababâ, at ang pagmamataas ng mga tao ay yuyukod;+ at si Jehova lamang ang matatanyag sa araw na iyon.+

  • Lucas 18:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Sinasabi ko sa inyo, Ang taong ito ay bumaba patungo sa kaniyang tahanan at napatunayang higit na matuwid+ kaysa sa taong iyon; sapagkat ang bawat isa na nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa, ngunit siya na nagbababa ng kaniyang sarili ay itataas.”+

  • 1 Pedro 5:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Sa katulad na paraan, kayong mga nakababatang lalaki, magpasakop kayo+ sa matatandang lalaki. Ngunit kayong lahat ay magbigkis ng kababaan ng pag-iisip sa pakikitungo sa isa’t isa,+ sapagkat sinasalansang ng Diyos ang mga palalo, ngunit binibigyan niya ng di-sana-nararapat na kabaitan ang mga mapagpakumbaba.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share