16 Siyang nandaraya sa maralita upang makapaglaan ng maraming bagay sa kaniyang sarili,+ siya rin na nagbibigay sa mayaman, ay tiyak na nakatalaga sa kakapusan.+
7 Kung tungkol sa taong walang prinsipyo, ang kaniyang mga kasangkapan ay masasama;+ siya mismo ay nagpapayo ng mahahalay na paggawi,+ upang ibuwal ang mga napipighati sa pamamagitan ng mga bulaang pananalita,+ ang dukha man ay nagsasalita ng bagay na tama.
3 kayo na siyang kumakain din ng laman ng aking bayan,+ at tumutuklap ng kanila mismong balat mula sa kanila, at bumabali ng kanila mismong mga buto, at dumudurog sa kanila na gaya niyaong nasa palayok na maluwang ang bibig at gaya ng karne sa loob ng palayok.+
14 Sa pamamagitan ng kaniyang sariling mga tungkod ay inulos+ mo ang ulo ng kaniyang mga mandirigma nang kumilos sila nang may kapusukan upang ipangalat ako.+ Ang kanilang matinding galak ay gaya niyaong sa mga masidhing naghahangad na lumamon ng isang napipighati sa kubling dako.+
40 Sila ang mga lumalamon sa mga bahay+ ng mga babaing balo at sa pagpapanggap ay nananalangin nang mahaba; ang mga ito ay tatanggap ng mas mabigat na hatol.”
4 Narito! Ang kabayarang nauukol sa mga manggagawa na nag-ani sa inyong mga bukid ngunit ipinagkakait ninyo,+ ay patuloy na humihiyaw,+ at ang mga paghingi ng tulong+ mula sa mga manggagapas ay pumasok na sa mga tainga+ ni Jehova ng mga hukbo.