Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 2:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Huwag kayong magsalita nang may labis-labis na kapalaluan,

      Huwag palabasin sa inyong bibig ang anumang bagay nang walang pagpipigil,+

      Sapagkat Diyos ng kaalaman si Jehova,+

      At sa kaniya ay tinataya nang may kawastuan ang mga gawa.+

  • 1 Samuel 16:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ngunit sinabi ni Jehova kay Samuel: “Huwag kang tumingin sa kaniyang anyo at sa taas ng kaniyang tindig,+ sapagkat itinakwil ko siya. Sapagkat hindi ayon sa paraan ng pagtingin ng tao [ang paraan ng pagtingin ng Diyos],+ sapagkat ang tao ay tumitingin sa kung ano ang nakikita ng mga mata;+ ngunit kung tungkol kay Jehova, tumitingin siya sa kung ano ang nasa puso.”+

  • Kawikaan 24:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kung sasabihin mo: “Narito! Hindi namin alam iyon,”+ hindi ba ito matatalos niyaong sumusukat ng mga puso,+ at malalaman niyaong nagbabantay sa iyong kaluluwa+ at gagantihan nga niya ang makalupang tao ayon sa kaniyang gawa?+

  • Lucas 16:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Dahil dito ay sinabi niya sa kanila: “Kayo ang mga nag-aaring matuwid sa inyong sarili sa harap ng mga tao,+ ngunit nakikilala ng Diyos ang inyong mga puso;+ sapagkat ang matayog sa mga tao ay kasuklam-suklam na bagay sa paningin ng Diyos.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share