Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Josue 7:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Nang makita+ ko sa samsam ang isang opisyal na kasuutan mula sa Sinar,+ isa nga na maganda, at ang dalawang daang siklo na pilak at isang barang ginto, na limampung siklo ang bigat, ninasa ko nga ang mga iyon,+ at kinuha ko;+ at, narito! ang mga iyon ay nakatago sa lupa sa loob ng aking tolda at ang salapi ay nasa ilalim nito.”+

  • Ezekiel 8:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 At sinabi pa niya sa akin: “Nakikita mo ba ito, O anak ng tao? Isa bang napakagaan na bagay sa sambahayan ni Juda ang gawin ang mga karima-rimarim na bagay na ginagawa nila rito, na pinupuno nga nila ng karahasan+ ang lupain at ginagalit nila akong muli, at narito, idinuduldol nila sa aking ilong ang supang?

  • Ezekiel 16:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 “ ‘At kinuha mo ang iyong mga anak na lalaki at ang iyong mga anak na babae na ipinanganak mo sa akin,+ at inihain mo sa kanila ang mga ito upang lamunin+—hindi pa ba sapat iyan sa iyong mga pagpapatutot?

  • 2 Timoteo 4:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Si Alejandro+ na panday-tanso ay gumawa sa akin ng maraming pinsala—gagantihan siya ni Jehova ayon sa kaniyang mga gawa+—

  • Santiago 1:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Kaya alisin ninyo ang lahat ng karumihan at ang kalabisang bagay na iyon, ang kasamaan,+ at tanggapin nang may kahinahunan ang pagkikintal ng salita+ na may kakayahang magligtas ng inyong mga kaluluwa.+

  • 2 Pedro 2:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Sila ay may mga matang punô ng pangangalunya+ at hindi makahinto sa pagkakasala,+ at inaakit nila ang mga kaluluwang di-matatag. Sila ay may pusong sinanay sa kaimbutan.+ Sila ay mga isinumpang anak.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share